NBA superstar Joe Johnson nakatakdang lumagda ng kontrata sa Detroit Pistons

0
34

Inaasahan na ang paglagda ng NBA superstar na si Joe Johnson sa Detroit Pistons.

Ito ay matapos ang usap-usapan na posibleng i-waive ng pistons ang kanilang forward na si Michael Beasley, upang makapasok si Johnson sa naturang koponan.

Balik NBA ang 38 anyos na si Johnson matapos nitong huling maglaro sa Utah Jazz at Houston Rockets sa 2017 -2018 NBA season.

Naitanghal itong 2019 MVP ng big 3 league na lumalaban sa mga dating NBA players sa games na 3-on-3.