35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

NATO nanawagan ng imbestigasyon sa pagbagsak ng Ukrainian plane sa Iran

- Advertisement -

Nanawagan ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa bansang Iran na magkasa na rin ng imbestigasyon sa nangyaring pagbagsak ng Ukrainian plane na ikinasawi ng 176 na pasahero.

Ayon kay NATO Chief Jens Stoltenberg, mahalaga na magsagawa na rin ng imbestigasyon ang Iran para maging transparent sa kanilang imbestigasyon.

Aniya, kung tatanggi ang Iran na mag-imbestiga ay wala silang magagawa kundi paniwalaan ang ulat na ang Iranian air defense system ang nasa likod ng pagkapagsak ng naturang eroplano.

Samantala, magugunitang una nang itinanggi ng Iran na kanilang pinabagsak ang Ukrainian passenger plane.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -