28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

National Museum binigyang diin na hindi planong itago ang isang Balangiga Bells

- Advertisement -

Binigyang-diin ng opisyal ng National Museum na hindi nila planong itago ang isang Balangiga Bells.

Ito ay matapos ihain ni Senator Juan Miguel Zubiri ang Resolution 965, kung saan nakasaad na dapat iwan at pangasiwaan ng National Museum ang isang kampana.

Ayon kay Jeremy Barns, director ng National Museum, wala silang kinalaman sa panukalang ito.

Binigyaang-diin rin ni Barns na handa ang National Museum na sumunod sakaling ma-aprubahan ang nasabing resolusyon.


Pangulong Duterte sinabing naibalik ang 3 Balangiga Bells sa PH dahil sa kagustuhan ng mga Pilipino 

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang sinumang opisyal ng pamahalaan ang maaring umangkin sa kredito nang pagbabalik ng Balangiga Bells sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, naibalik ang mga kampana sa Pilipinas dahil kagustuhan ito ng mga Pilipino.

Samantala, kinumpirma rin naman ng pangulo ang personal niyang pagdalo sa turn over ceremony ng mga kapampana sa Balangiga, Eastern Samar, bukas.

Ngunit iginiit nito na ipauubaya na lamang niya sa mga lokal na opisyal ng Eastern Samar ang pag-handover ng mga kampana sa simbahan, dahil hindi nito dadaluhan ang itinakdang misa ng obispo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -