Tiniyak ng National Police Commission o NAPOLCOM na makatatanggap ng tulong pinansiyal ang naulilang pamilya ng police escort ni AKO-Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe na si SPO1 Orlando Diaz.
Ayon kay Napolcom-Bicol Regional Director Atty. Edman Pares, buwanang pension ang matatanggap ng pamilya ni Diaz.
Dagdag pa nito makatatanggap rin ng scholarship ang mga anak ni Diaz hanggang kolehiyo.
Paliwanag pa ni Pares, ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa sinumang police personnel na nasawi habang nasa serbisyo ay mandato ng batas sa bansa.