Napipintong paglaya ng libu-libong bilanggo di banta sa seguridad – PNP

0
44

Hindi itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na banta sa seguridad ang napipintong pagpapalaya sa libu-libong bilanggo sa susunod na dalawang buwan.

Ayon kay PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac, handa silang ipatupad ang batas at arestuhin ang mga nasabing indibidwal sakaling gumawa na naman ng krimen ang mga ito.

Gayunman, positibo naman si Banac na nagbago na ang mga nasabing bilanggo.