Napaulat na muling pagpapalawig ng ECQ sa Luzon ‘fake news’ —Nograles

0
16

Tinawag na ‘fake news’ ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang napaulat na muling pagpapalawig sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay Nograles na siya ring tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF), hindi rin totoo ang kumakalat na planado o pinag-usapan nila ang extension ng ECQ hanggang Abril 30.

Mariing rin nitong pinabulaan ang ulat na inatasan umano nila ang isang ospial sa Quezon City na ihinto ang pagbibilang ng mga pasyenteng nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, hinihikayat ni Nograles ang publiko na maging mapagbantay sa mga maling impormasyon na ipinapakalat lalo na sa social media.

Aniya, dapat na makipagtulungan ang publiko sa pamahalaan upang makasagip ng buhay sa simpleng pamamaraan na “bahay muna, buhay muna” at malabanan ang pagkalat ng COVID-19.