Nangyaring sunog sa Customs nais imbestigahan ng Senado

0
44

Pinag-aaralan pa ni Senador Richard Gordon kung isasalang din nila sa imbestigasyon ang naganap na sunog sa tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) sa Maynila noong isang linggo.

Sa panayam ng DWIZ, inihayag ni Gordon na kinakalap pa ng kanyang mga tauhan ang kumpletong datos at mga impormasyon hinggil sa tunay na pinagmulan ng sunog.

Kahit naka-recess naman aniya ang Kongreso, maaari pa rin nila itong imbestigahan lalo na kung hihingin ng pagkakataon.

—-