Nanay na naghatid ng kanyang anak sa bahay, patay; Matapos malunod sa Goa, Camarines Sur

0
0

Di na nakabalik ng buhay ang isang nanay sa Bayan ng Goa, Camarines Sur matapos etong malunod kanenang alas 10 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Gina Barde, 51 anyos, Barangay Tanod, may asawa at residente ng Barangay Scout Fuentebella, Goa, Camarines Sur.

Ayon sa ulat mula sa MDRRMO Goa sa pakikipag-ugnayan nito sa asawa na si Noli Barde, bago pa mangyari ang insidente ay hinatid pa nito sa bahay ang kanilang 8 anyos na anak galing paaralan.

Pero pagbalik nito sa paaralan upang gampanan ang duty nito bilang brgy tanod ay pinilit nitong suongin ang rumaragasang tubig baha, sa tulay ng sitio laki-laki ng nasabing barangay subalit nabigo eto at malunod.

Agad namang rumesponde ang mga kawani ng MDRRMO Goa matapos makatanggap ng tawag mula sa Barangay at dagliang nagsagawa ng search and retrieval operations.

Pasado alas 2 na ng hapon ng matagpuan ang bangkay ng biktima, 2 kilometro mula sa tulay sa Sona 1 ng nasabi ng barangay. (Jv Navarro Verdeflor Jr.via MDRRMO Goa)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here