Nakukuhang atensyon ng PhilHealth dahil sa isyu ng umano’y katiwalian welcome kay Morales

0
19

Welcome kay PhilHealth President Ricardo Morales ang nakukuhang atensyon ng ahensiya.

Ito ay sa gitna na rin ng alegasyon ng korapsyon sa loob ng PhilHealth.

Ayon kay Morales, magbibigay daan aniya ito para makatulong sa taumbayan na makuha ang nararapat na serbisyo mula sa ahensiya at maiangat ang buhay ng bawat Pilipino.

Sinabi ni Morales, naging bahagi na ng sistema ng PhilHealth ang panloloko o korapsyon na tulad aniya ng iba pang mga health systems sa buong mundo.

Iginiit ni Morales, hindi aniya kayang sugpuin ito sa loob lamang ng isang taon at maging hanggang tatlong taon pa.

Dagdag ng opisyal, hindi rin aniya angkop at sapat ang internal anti-fraud mechanisms ng PhilHealth para matugunan ang mga nabanggit na kahinaan ng ahensiya.

The problem is systemic and cannot be solved in one year, maybe not even in three years. I miscalculated the time required to get the IP system up and running. One year was not enough and the budget was inadequate for the job,” ani Morales.