29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Nakitang CCTV ukol sa naganap na insidente sa Sulu hawak na ng NBI

- Advertisement -

Hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang lumutang na CCTV na hinihinalang kuha sa insidente kung saan napatay ng mga pulis ng Jolo PNP ang apat na sundalo.

Makikita sa CCTV ang isang lalakeng nakasuot ng sumbrero habang tila may kinukuha sa labi ng nakabulagtang sundalo at saka iniabot sa kanyang kasamahan bago tila may inilagay sa ulunan ng patay na sundalo.

Binuksan rin ng nakasombrerong lalake ang SUV ng mga sundalo at tila may kinuha o inilagay ito sa loob ng isang bag.

Matapos ito ay muling binalikan at ginalaw muli ng lalake ang labi ng isa sa mga sundalo.

Ang mga nakabulagtang labi sa labas ng SUV ay sina Major Marvin Indamog, Sgteric Velasco At Corporal Abdal Asula samantalang nasa loob ng SUV ang labi ni Captain Irwin Managuelod.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -