Nakatakdang pagbisita ni Duterte sa mga biktima ng lindol sa Mindanao kanselado ngayong araw —Panelo

0
19

Kanselado ang nakatakdang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malalag at Padada, Davao del Sur.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, masama ang pakiramdam ng pangulo kaya’t minabuting ipagpaliban muna ito.

Wala naman aniyang dapat ipag-alala sa kalagayan ng pangulo dahil nasa mabuting kondisyon aniya ito.

Giit ni Panelo, natural lang na sumama ang pakiramdam ng isang tao kung kulang ang tulog.

Samantala, itatakda naman ang naantalang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Enero 3.