29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Nakaambang toll adjustment dadaan pa sa proseso

- Advertisement -

Mahaba-haba pa ang proseso kaugnay sa hinihinging adjustment ng toll operators.

Ayon ito kay Toll Regulatory Board o TRB Spokesman Alberto Suansing bagamat inaprubahan na nila ng hinihinging dagdag na singil sa toll ng NLEX base na rin sa petisyon nito noong 2012 at 2014, ang SCTEX noong 2011 at Cavitex noong 2011 para sa R1 o mula kanto ng NAIA Road at Roxas Boulevard hanggang Bacoor.

Sinabi sa DWIZ ni Suansing na tinututukan na ng TRB kung magkano ang dagdag na singil sa mga nasabing expressway.

“Ang ginagawa ngayon ng TRB ay i-prepare ang kaukulang resolution na tungkol sa toll adjustment na kanilang ipinetisyon, ‘yung numero ngayon naming ifo-formulate ‘yun sa pamamagitan ng paggawa ng resolusyon, marami pang proseso ‘yan at ibabalik uli ‘yan sa board members for approval and the resolution will be published in the newspaper, hindi naman effective immediately ‘yan.” Pahayag ni Suansing

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -