Naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo umabot na sa mahigit 700,000

0
14

Naitala na ang higit 700,000 kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), nasa 702,368 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

33,178 rito ang kumpirmadong nasawi dahil sa virus.

Gayunman, tumataas din naman ang bilang ng mga nakarerekober sa COVID-19 kung saan nasa 149,000 na ang kumpirmadong tuluyang gumaling mula sa panganib ng virus.