Naipasuspindi, napatanggal na gov’t officials umabot na sa 60 – PACC

0
36

Umabot na sa 60 opisyal ng pamahalaan ang naipasuspindi at napatanggal ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC).

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, 100% sinusunod ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang mga rekomendasyon.

Sa katunayan, may mga inirekomenda anya silang suspindihin lamang pero pagdating sa pangulo ay kanyang sinisibak.

Bagamat tumanggi si Belgica na magsabi ng pangalan ng mga napasibak na nila, ito anya ay mga nasa kategorya ng cabinet at assistant secretaries.