DOE kailangan nang maisumite ang total electrification strategic plan sa senado bukas

0
50

Kailangan nang maisumite sa senado ng Department of Energy (DOE) bukas, Agosto 22, ang total electrification strategic plan.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, bibigyan niya pa ng isang pagkakataon ang DOE para maisumite ang plano’t stratehiya nito para magkaroon ng kuryente ang lahat ng kabahayan sa bansa.

Sa ilalim ng naturang programa, target nitong mabigyan ng kuryente ang nasa 2.3 million na bahay sa Pilipinas na walang suplay ng kuryente.

Paliwanag ng DOE, nahihirapan silang kumuha ng impormasyon mula sa mga kooperatiba at distribution utility kaya’t hindi pa nila maibigay sa komite ang naturang plano.

Kaugnay nito, ikinadismaya rin naman ni Gatchalian ang hindi pagsipot ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa pagdinig ng senate committee on energy hinggil sa naturang usapin.

Gayunman, umaasa naman si Gatchalian na magpapaliwanag si Cusi sa susunod na pagdinig ukol sa stratehiya ng DOE na mabigyan ng kuryente ang lahat ng kabahayan sa bansa pagsapit ng taong 2022.