Nagtipunan, Quirino niyanig ng magnitude 4.8 na lindol —Phivolcs

0
22

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Nagtipunan, Quirino ngayong gabi ng Miyerkules, Nobyembre 13, dakong 10:28 p.m.

Ayons sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay may lalim na 26 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Naramadaman ang Intensity II sa Palayan City at Intensity I naman sa Baguio City.

Wala namang inaasahang aftershocks sa nangyaring pagyanig.