Nagsarang paaralan na Camp John Hay Elementary School gawing isang extension ng Jose P. Laurel Elementary School sa Baguio City

0
9

Baguio City – Hiniling ng lokal na opisyal ng Lungsod ng Baguio kamakailan sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na payagan na magamit ang pasilidad ng isinarang Camp John Hay Elementary School bilang extension o kaugnay ng Jose P. Laurel Elementary School sa Scout Barrio para sa lumalaking bilang ng mga batang pumapasok mula sa kalapit na mga barangay. 

Anila, kinakailangan payagan ng BCDA na ipagamit na lamang ang pasilidad ng naturang paaralan upang magamit ng Jose P. Laurel Elementary School at makapagbigay pa ito ng de kalidad na edukasyon sa mga kabataan.

Kamakailan lamang, isang liham ang ipinadala ng principal ng Jose P. Laurel Elementary School na si Binibining Jeannette T. Lacana, na nagpapahayag ng malakas pagsuporta sa panukala ng Schools Division ng Baguio City para gawing extension ang mga classrooms ng John Hay Elementary School dahil ito ang pinamalapit na paaralan sa Jose P. laurel Elementary School upang tugunan ang lumalaking bilang ng mag aaral sa kanilang lugar at maging sa kalapit na mga barangay.

Idinagdag ng naturang principal, kailangan nila ng karagdagang silid paaralan dahil sa ang kanilang paaralan ay wala nang masyadong mga silid para sa mga mag aaral. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

 

Leave a Reply