Baguio City – Katuwang ng mga pulis ang mga intern students mula University of the Cordillera at iba pang volunteer residents, na nagsama sama sa paglilinis ng lungsod. Kanilang pinagtuunan ng pansin ang along Kisad Road, ang Rose Garden sa Burnham Park, Purok 12 sa Brgy. Irisan, at Carantes Street sa Harrison Road.
Ang naturang pangkat ay masiglang kinolekta ang boteng plastic, papel at iba pang kalat sa mga nasabing daanan at pampublikong lugar. Ito’y nagpapakita ng pag kakaisa ng kapulisan sa mga programa ng gobyerno na dapat magtulong tulong sa paglilinis, pagkakaisa at pagsamasama sa mga gawain pambarangay.
At sa pagkakataon na ito, isang ehemplo sa mga kabaaan at sa mamayan sa mga gawain nakikita at nakikilahukan para sa magandang kinabukasan. (Joel Cervantes | Jjimmy Bernabe)
(Source: Baguio PNP)
