Nagpiyansa si ex-Daraga Mayor Carlwyn Baldo ng mahigit P8-M

0
21

Nagpiyansa si dating Daraga City Mayor Carlwyn Baldo ng mahigit P8-M para sa kasong murder at 6 counts of attempted murder.

Gayunman, mananatili parin si Baldo sa kulungan dahil hindi pa inaaksyonan ng Korte ang pagpiyansa, gawa ng nakabinbing motion for reconsideration na isinumite naman ng pamilya Batocabe noong isang araw.

Matatandaang nasangkot bilang mastermind si Baldo, sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Sa panulat ni Lyn Legarteja.