Friday, May 3, 2024

Nagpakalat ng ‘bastos’ na modules mananagot — Duterte

- Advertisement -

Nais umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaresto at panagutin ang mga nasa likod ng modules na may mga laman na kabastusan.

Ayon kay Senator Christopher Bong Go, hindi palalampasin ng Pangulo ang mga gumawa nito gayong malinaw na hindi dapat ginagawang kabastusan ang mga materyales na ginagamit upang matuto ang mga kabataan.

Hirap na rin aniya ang mga estudyante ngayon na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at hinahaluan pa ng kalokohan ang mga itinuturo sa mga ito.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang simbahang katoliko ang dapat na managot sa isyu dahil ang naturang learning module ay nagmula sa isang katolikong paaralan.

Matatandaang kumalat ang kopya ng learning module sa social media kung saan nilagyan ng double meaning o bastos na pangalan ang mga tanong gaya ng Pining Garcia, Adbul Salsalani, Malou Wang, at Tina Moran.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img