30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Nagkakahalagang P14-M na shabu nasabat sa Quezon City

- Advertisement -

Aabot sa P14-M ang halaga ng shabu na nakumpiska ng mga otoridad sa isang apartelle sa Quezon City.

Ito’y sa pagpapatuloy ng anti-drug operation ng pamahalaan sa kabila ng pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Ayon kay Novaliches Police Chief Lt. Col. Hector Amancia, naaresto sa drug operation si alyas “Jin” 31 anyos.

Ani Amancia, sinabi umano ni Jin na siya ay mula sa Batangas at inutusan lang siya na mag deliver ng package sa Quezon City.

Nakalusot naman daw siya umano sa mga checkpoint na kaniyang dinaanan dahil hindi naman aniya chineck ang kaniyang gamit.

Sinabi ni Amancia na gumagawa ng paraan ang mga drug suspect para maipagpatuloy ang kanilang operasyon kahit may lockdown.

Nagiging limitado lamang umano ang operasyon at kilos ng mga ito dahil sa nakakalat na mga otoridad bunsod ng ECQ.

Kasabay nito tiniyak ni Amancia na hindi titigil ang kampanya kontra droga ng pamahalaan at pagtugis sa mga kriminal kahit mayroong umiiral na ECQ.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -