Naging pagdinig ng Senado ukol sa franchise ng ABS-CBN, binanatan ni Cayetano

0
19

Binanatan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga tinawag niyang sipsip at epal na indibwal sa naging pagdinig ng senado sa franchise renewal ng ABS – CBN.

Ayon kay Cayetano, tila pang attendance lamang ng mga gustong pumapel sa ABS-CBN ang naging pagdinig ng mga senador.

Aniya, para saan ba ang naging hearing gayong hindi naman maaring dinggin ang renewal ng prangkisa dahil nasa House of Representatives pa ang usapin.

Muli, binigyang diin ni Cayetano na mahalagang isyu ang franchise ng network ngunit hindi ito kasing urgent ng iba pang usapin na tinatalakay ngayon ng mga kongresista.