31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Nagbabantang bagyo posibleng dumaan sa mga lugar na tinahak ng ‘Ompong’

- Advertisement -

Posibleng tahakin ng Typhoon Yutu ang mga dinaanan ng Bagyong Ompong.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng tumama sa kalupaan ang nagbabantang bagyo sa bahagi ng Northern Luzon sa Martes o Miyerkules.

Inaasahan namang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo ngayong umaga na tatawagin namang Bagyong Rosita.

Huling namataan ang bagyo sa mahigit 1,000 kilometro silangan ng Northern Luzon.


Panahon ng amihan opisyal nang idineklara ng PAGASA

Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpasok ng panahon ng amihan o northeast monsoon.

Ayon sa PAGASA, asahan na ang mas malamig na panahon sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Ito ay dahil sa lalakas na ang hangin na magmumula sa mainland Asia sa mga susunod na buwan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -