Nadine Lustre, James Reid magkasamang umakyat sa Mt. Ulap

0
18

Tila tinuldukan na nina Nadine Lustre at James Reid ang mga espekulasyon hiwalay na silang dalawa.

Ito ay matapos ma-spottan ang dalawa na magkasamang umakyat ng Mount Ulap sa Itogon, Benguet.

Batay sa isang Instagram post, kasama nila Nadine at James sa nabanggit na adventure ang iba pa nilang mga kaibigan.

Magugunitang naging usap-usapan ang umano’y paghihiwalay na nina Nadine at James nito lamang Bagong Taon kung saan sinasabing nag-alsa balutan pa ang aktres sa kanilang tinitirhan.

Una na ring pinabulaanan ni Nadine sa pamamagitan ng isang Instagram story ang mga isinulat ng kolumnistang si Ricky Lo hinggil sa kumpirmadong break-up ng dalawa.