Saturday, May 18, 2024

MWSS officials binalasa ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Binalasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Manila Water Sewerage System (MWSS).

Batay sa inilabas na appointment paper ng Malacañang, si retired army Gen. Ricardo Caballero Morales ang pupuno sa nabakanteng pwesto bilang miyembro ng board of trustees ni dating vice chairman at administrator Reynaldo Velasco.

Bubunuin ni Morales ang hindi pa natapos na termino ni Velasco na nagsimula noong Hulyo 1, 2018 at magtatapos sa Hunyo 30, 2019.

Sa ngayon ay hinihintay pa ni Velasco ang bago niyang pwesto mula sa Malacañang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -