Kinakailangan pa ng mas malalim na pag-aaral ang mungkahi ng National Youth Commission (NYC) na paghiwalayin ang classroom ng mga babae at lalake mula Grades 7 hanggang Grades 12.
Ito, ayon kay Department of Education (DepEd) undersecretary at spokesperson Nepomuceno Malaluan, ay dahil hindi lamang ganoon kasimple ang naturang pag-aaral lalo na’t marami ang dapat na ikonsidera sa naturang mungkahi.
Kailangan magbigay ang NYC mismo ng pag-aaral tungkol diyan, dahil hindi ganyan kasimple ang proposal na ‘yan,” ani Malaluan.
Kailangan aniyang magsumite mismo ang NYC ng pag-aaral hinggil sa naturang panukala upang pagtibayin ito at upang maikonsidera ito bilang isang seryosong panukala.
Sa ngayon, ani Nepomuceno, ang piinakamalaking hamon sa DepEd ay ma-upgrade pa ang kalidad ng edukasyong natatanggap ng mga mag-aaral.
Baka kailangan niya pa ng mas malalim na pagaaral for it to be taken as a serious proposal,” ani Malaluan.
Gayunman, mahalaga aniya ang pagkakaroon ng sex education sa mga mag-aaral na makatutulong para sa mas responsableng mga hakbang at desisyon sa kanilang pamumuhay. — sa panayam ng Ratsada Balita