31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Multa sa mga sasakyang iligal na nakaparada tinaasan

- Advertisement -

Limandaang (500) porsyento ang itinaas ng multa para sa mga sasakyang iligal na nakaparada sa lansangan simula sa araw na ito.

Napag-alaman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago na ang mga sasakyang iligal na nakaparada subalit may driver sa loob ay pagmumultahin ng isang libong piso (P1,000) mula sa dating dalawandaang piso (P200).

Mula naman sa dating limandaang piso (P500) magiging dalawang libong piso (P2,000) na ang multa para sa mga sasakyang iniwanang iligal na nakaparada ng driver.

Sa ilalim rin ng panuntunan, sinabi ni Pialago na hanggang tatlong tiket ang maaaring ma-isyu sa isang driver sa loob ng isang araw sa mga paglabag na may tatlong oras na pagitan.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -