Muling pagpapalawig sa ECQ dedesisyunan ng IATF sa susunod na linggo

0
28

Inaasahang maisusumite na ng Inter Agency Task Force (IATF) sa Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo ang report ng Technical Working Group (TWG) na naatasang mag-aral kung dapat bang palawigin o tanggalin na ang enhanced community quarantine (ECQ) pagkatapos ng April 30.

Ayon kay IATF spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, sa Lunes, Abril 20, inaasahang ipriprisinta na ito sa kanila ng TWG upang mapag usapan bago dalhin sa pangulo.

Binigyang diin ni Nograles na kailangang maibigay nila sa pangulo ang rekomendasyon dahil huling linggo na ng ECQ pagkatapos ng susunod na linggo.

Ang pag-aaral na ginagawa ngayon anya ng TWG ay nakabase sa limang parameters na kanilang napagkasunduan.