Muling paghaharap nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. inaayos na

0
15

Inaayos na ang muling paghaharap nina fighting senator Manny Pacquiao at U.S. retired boxer na si Floyd Mayweather jr.

Ayon sa mga malalapit sa kampo ni Pacquiao, hatian sa premyo nalang ang isa sa inaayos para sa laban at posibleng sa susunod na taon na ang magiging laban ng dalawa.

Samantala, wala pa namang inilalabas ang kampo ni Pacquiao kung exhibition fight o 12 round professionally-sanctioned fight ang magiging laban.

Matatandaang, hindi pumayag si Pacquiao sa exhibition fight na inaayos ni Mayweather makaraang magpost ito sa social media dahil ang totoong laban aniya ay 12-round boxing match.