Baguio City – Nagpaalaala ang lokal na gobierno ng lungsod ng Baguio sa mga mamamayan nito at maging sa mga turista na magtipid ng tubig dahil sa ang mga reservoirs ng lungsod ay natutuyo na dahil sa El Niño phenomenon.
Ito ang sinabi ni City Administrator Bonifacio Dela Peña dahil sa sinabihan ng Baguio Water District na ang kanilang mga reservoirs sa lungsod ay natutuyo na at dahil na rin sa kawalan ng pag ulan ay maari pang humaba ang kakulangan ng tubig sa darating ng mga buwan.
Ang lungsod ng Baguio nananatiling nanawagan sa pagtitipid ng tubig sa mga bahay at sa commercial establishments upang mabawasan ang volume ng groundwater na pinapalabas sa araw-araw.
Napag-alaman din na ang water level sa Burnham Lake ay bumaba na at ang ilan sa mga namangmangka ay sumasagwan na sa putikan.
Samantala, initusan ni Mayor Benjamin B. Magalong sa CEPMO na makipagpulong sa mga golf course operators sa lungsod na paigtingin pa ang kanilang pagtitipid ng tubig sa panahon ng tagtuyot.
Kamakailan lamang, ang Ama ng lungsod ay nanawagan sa pag iwas ng paggamit ng tubig sa paggamit sa bahay kung hindi maiiwasan bilang mitigating measure. Kanyang idinagdag na gawing ugali ang paggamit ng gamit na tubig mula sa paglalaba o mula sa kusina sa pagflush ng mga palingkuran o pagdidilig ng mga halaman.
Ang ibang paraan upang makatipid ng tubig ay ang pagsasara ng mga gripo kung hindi ito ginagamit, kumpunihin ang tagas ng tubo at ng iba pa. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)
(Source: Baguio City Public Information Office)
