MRT-3 at LRT-2 may alok na isang linggong libreng sakay sa mga senior citizens

0
41

Magbibigay ng isang linggong libreng sakay ang Metro Rail Transit (MRT) 3 at Light Rail Transit (LRT) 2 para sa mga senior citizen.

Ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng “Elderly Filipino Week”.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, magsisimula ang libreng sakay mula Oktubre 1 hanggang 7 anumang oras ng biyahe ng mga tren.

Sa LRT-2 naman, libreng makakasakay ang mga nakatatanda mula alas siete hanggang alas nuebe ng umaga at alas singko ng hapon hanggang alas siete ng gabi.

Para makalibre ng sakay kailangan lamang ay ipresinta ang senior citizen ID o anumang ID kung saan makikita ang petsa ng kapanganakan.