Morales naniniwalang mareresolba ang katiwalian kung maipatutupad ang IT project sa PhilHealth

0
13

Naniniwala si PhilHealth president at CEO Ricardo Morales na kung maipatutupad ang IT project sa kanilang tanggapan ay mareresolba ang katiwalian o korapsyon dito.

Ito’y sa pagtatanong ni Senador Christopher “Bong” Go kay Morales kung kaya ba nitong linisin sa katiwalian ang PhilHealth sa pagdinig ng senado, kahapon.

Ayon kay Morales, kung matutuloy ang IT project magkakaroon ng data base kaya’t matutukoy ng tama ang mga miyembro ng PhilHealth.

Giit nito, pinakamahalaga sa isang korporasyon gaya ng PhilHealth ay ang data processing para matigil na ang mano-manong transaksyon.

Sa ngayon aniya ay mayroon pang nasa talaan ng PhilHealth na 130-taong gulang na.