Morales dinepensahan ang pagkakapromote ng mga nauna nang inirereklamong opisyal

0
11

Dinepensahan ni PhilHealth Chief Ricardo Morales ang pagkakapromote pa rin ng ilang opisyal sa kanilang tanggapan kahit pa inirereklamo na ang mga ito.

Ayon kay Morales, ang kaniyang ginawang hakbang ay alinsunod sa Rule 4, Paragraph 3, ng Civil Service Commission (CSC) kung saan nakasaad na hindi hadlang ang pagrereklamo sa isang empleyado para ito magkaroon ng promotion.

Giit ni Morales, kahit pa nagkaroon na ng pormal na reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ), masasabing ang estado pa rin nito ay “complaint” at  hindi pa napatutunayan.

Ginawa ang paglilinaw na ito ni Morales matapos ipunto ni Senate President Vicente Sotto na mayroong kaso laban sa mga napromote na opisyal ng PhilHealth.