Molecular Laboratory Ng Davao, Magagamit Na

0
52

Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Davao ang Molecular Laboratory nito na gagamitin para sa COVID-19 testing matapos ang simpleng pagpasinaya ng pasilidad..

Ito ay makaraang maibigay sa lokal na gobyerno ang License to Operate mula sa Department of Health (DOH).

Ayon sa panayam ng acting head ng City Health Office Dr. Ashley Lopez na sa ngayon aabot pa lang ng limampung swab samples bawat araw ang maiproseso ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) machine sa molecular lab.

Aniya, kada-dalawang linggo, kanila itong i-cacalibrate hanggang sa makapag-proseso ito ng daan-daan hanggang sa mahigit isang libong samples kada-araw.

Sinabi ng opisyal, malaking tulong ang nabanggit na pasilidad para sa karagdagang testing capacity ng lungsod dahil limitado pa lang sa 1,500 samples kada-araw ang kayang maiproseso ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) molecular laboratory.

Ito umano ang dahilan sa mabagal na release ng resulta ng RT-PCR test na nakadagdag pa ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Matatandaang sinabi ng tagapagsalita ng COVID-19 Task Force Dr. Michelle Schlosser na ang molecular laboratory ay makakatulong upang ma-decongest ang molecular laboratory ng SPMC at magkakaroon ng mas mabilis na release ng resulta.

Ayon kay Schlosser, dahil lampas na sa limit ang pagtanggap ng SPMC sa swab samples, ang bagong pasilidad umano ang tutugon sa backlog.

Nagkakahalaga ng ₱ 27.5 million ang bagong molecular laboratory, kasama na ang mga kagamitan dito gaya ng RT-PCR machine, RNA extraction machine, at ultra-low temperature storage facility para sa mga bakunang nangangailangan ng mababang temperatura.

(Source: News Fort.ph)

Leave a Reply