Tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang mobile vaccination ng pamahalaang lungsod ng Iriga na layong mabigyan ng pagkakataon ang mga Senior Citizen, Bed Ridden at mga mamamayan ng lungsod na hindi makalakad dahil sa sakit upang makapunta sa mga vaccination sites ng Iriga.

Noong ika-23 ng Setyembre, 2021, nakapagsagawa ng mobile vaccination ang IrigaVax team sa barangay Sto. Domingo, San Nicolas, San Isidro, San Agustin at San Miguel.
Abangan ang pagpunta ng Iriga Vax Team sa inyong barangay sa mga susunod na araw.
(News & photo courtesy of LGU Iriga Official Facebook page)
