MMDA bumuo ng inter agency task force para maresolba ang problema sa trapiko sa EDSA

0
51

Bumuo na ng inter-agency task force ang MMDA o Metropolitan Manila Development Authority para matutukan ang pagresolba sa matagal nang problema sa trapiko sa EDSA.

Kasunod na rin ito ng naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking magiging limang minuto na lamang ang biyahe mula Cubao, Quezon City hanggang Makati at pabalik sa katapusan ng taon.

Ayon kay MMDA Special Operations Group Head Bong Nebrija, magiging katuwang ng MMDA ang PNP Highway Patrol Group, Land Transportation Office at LTFRB sa bagong task force sa pangangasiwa ng trapiko mula Cubao hanggang Makati.

Sa ilalim aniya ng nasabing task force, magkakaroon ng “engineering interventions” ang Department of Public Works and Highways kung saan magsasagawa ng reblocking kada linggo para magbigay daan sa mga pagsasaayos ng EDSA.

Tiniyak naman ni Nebrija na sisikapin nilang masolusyunan ang problema sa EDSA bagama’t aminado siyang malabong makamit ang limang minutong biyahe mula Cubao hanggang Makati.