MMC nakatakdang magpulong kaugnay sa HOV traffic scheme sa EDSA

0
51

Magpupulong ang Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng mga alkalde sa Metro Manila upang magsagawa ng deliberasyon sa pagpapatupad ng HOV o high occupancy vehicle traffic scheme sa EDSA.

Kasunod ito ng inilabas na resolusyon ng Senado na ihinto na ang pagpapairal ng HOV.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, nakatakdang i-review at desisyunan ng konseho ang naging resolusyon ng mga senador.

Kasabay nito, sinabi naman ni Colonel Bong Nebrija, special operations task force commander ng MMDA, tuloy pa rin ang dry run ng HOV habang hinihintay ang desisyon ng mga alkalde.

“Disbar yun po finile na po namin sa Department of Justice (DOJ) yung complaint, they will be the one to decide on that. So ang sa amin naman, ayun nga ang sinasabi ko sa mga taong matatalino sa batas atsaka yung mas may alam pa sa enforcer natin, hindi po tama makipagtalo sa kalsada so you respect the enforcer and let him do his job complying these instructions.” Pahayag ni Nebrija.