Miyembro ng Abu Sayyaf patay sa engkuwentro sa Sulu

0
44

Patay ang isang Abu Sayyaf member habang sugatan naman ang kapatid ng isa sa subleader ng grupo matapos maka-engkwentro ang militar sa Talipao, Sulu.

Kinilala ang nasawing bandido na si Rakid Dasul na sinasabing sangkot sa mga kidnapping activities  habang sugatan ang kapatid ni Abu Sayyaf subleader Idang Susukan na si Jaber Susukan.

Ayon kay Western Mindanao Command Head Lt. General Arnel dela Vega, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng 2nd special forces battalion ng Philippine Army at  Abu Sayyaf group sa ilalim ni subleader Anga Adji at, ala sais y medya kahapon ng umaga.

Narekober mula sa mga bandido ang dalawang M-16 rifle, mga magazine at mga bala.

Kasabay nito tiniyak ni dela Vega, patuloy ang isinasagawang opensiba ng Joint Task Force Sulu laban sa mga Abu Sayyaf.