Misuari itinalaga ni Duterte bilang special economic envoy sa Organization of Islamic Cooperation

0
23

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Moro National Liberation Front (MNLF) founder Nur Misuari bilang Special Economic Envoy on Islamic Affairs ng gobyerno sa Organization of Islamic Cooperation (OIC).

Sa unang pagpupulong ng Government-MNLF Peace Coordinating Committee, inanunsiyo ng presidente ang kanyang desisyon na malugod namang tinanggap ng Moro leader.

Layon nitong mapalakas ang tsansang makamit ang matagal nang inaasam na kapayapaan sa Mindanao at makakuha ng suporta mula sa mga Islamikong bansa.

Inaasahang dadalo si Misuari sa taunang pagpupulong ng parliamentary union ng OIC member states sa Burkina Faso, Western Africa sa January 2020.