28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Missionary pastor nanumpa bilang baong miyembro ng Kamara

- Advertisement -

Isang missionary pastor ang pinakabagong miyembro ng Kamara.

Nanumpa si Pastor Paul Hernandez bilang kinatawan ng Kabayan party-list kapalit nang namayapang si Atty. Ciriaco Calalang.

Si Hernandez na fourth nominee ng nasabing party-list group ay director at full gospel pastor ng Free Mission Philippines Churches.

Ayon sa isa pang kinatawan ng Kabayan party-list na si Ron Salo, batid ni Hernandez ang pagsasakripisyo para lamang maabot ang mga nasa grassroot level at nakukuha nito ang pulso ng mga Pilipino base na rin sa pakikipag ugnayan nito lalo na sa mga mahihirap.

Pinangunahan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang panunumpa ni Hernandez at ito ay sinaksihan ng kaniyang pamilya at mga kapwa kongresista.

(with report from Jill Resontoc)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -