28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Misis, Huli Sa Pagbebenta Ng Ilegal Na Droga

- Advertisement -

Buhi, Camarines Sur – Huli na ng malaman ng isang misis na pulis pala ang kanyang napagbentahanng hinihinalang shabu sa Sagrada Buhi, Camarines Sur. Nakilala ang suspek na si Susan De Lumen y Dechuyon ng nasabing barangay.

Ayon kay PCpl. John Albert Martirez ng Buhi MPS, pasado alas dos ng hapon ng Mierkules, Oct. 21, 2020 ng tuluyan ng mahulog sa kamay ng mga otoridad ang suspek. Isang pakete ng hinihinalang shabu ang nabili kapalit ng limang daang piso na marked money.

Inihahanda na ang kasong isasampa sa suspek na paglabag sa RA 9165. Ang suspek ay nasa kustodiya ng Buhi PNP. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: Buhi PNP)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -