Posibleng manatili bilang minority leader ng mababang kapulungan ng kongreso si Quezon Rep. Danilo Suarez.
Iyan ang inihayag ni Deputy Speaker at Acting Majority Leader Fredenil Castro sa isang forum sa Quezon City ngayong araw.
Ayon kay Castro, sa kabila ng iba’t ibang paksyon mula sa hanay ng minorya posible igiit ng nakararami rito na huwag na lamang palitan si Suarez.
Batay sa house rules, hindi maaaring tumayong minority leader ang isang mambabatas na bumoto pabor sa iniyendorsong house speaker.
Magugunitang isa si Suarez sa mga nangampaniya at bumoto pabor sa nominasyon ni dating pangulo ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo bilang house speaker kapalit ni Davao 2nd District Rep. Pantaleon Alvarez.
Sa Lunes, inaasahang magkaka-alaman na kung sino ang i-uupong majority leader gayundin ang kung sino ang tatayong minority leader ng mababang kapulungan.
Minority Leader Suarez, posibleng hindi mapalitan sa pwesto ayon kay Deputy Speaker at Acting Majority Leader Fredenil Castro | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/klxfG7bKMX
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 28, 2018