Milyun-milyong kabataang Pilipino nakakaranas ng depresyon dahil sa social media —WHO

0
16

Nakararanas ng depresyon ang mahigit isang milyong kabataang Pilipino.

Ito ay ayon sa pinakabagong datos ng World Health Organization (WHO) kung saan lumalabas na ang isa sa dahilan nito ay social media.

Halos nagtriple naman ang mga nagpapakatamay na kabataang edad 10 hanggang 14 mula 2007 hanggang 2017.

Ayon kay Dr. Cornelio Banaag Jr., Child and Adolescent Pyschiatry, masyadong nalulunod ang mga kabataan ngayon sa teknolohiya o social media dahil pagkagising pa lang aniya at bago matulog cellphone ang agad na tinitingnan.

Sinabi naman ng grupong ng Mindstrong Foundation, kulang ang mga eksperto sa bansa na maaaring makatulong sa mga may depresyon.

Sa buong pilipinas anila, mayroon lang umanong 75 rehistradong child psychiatrist.