Mighty Sports-Pilipinas inilampaso ang Syrian club

Mighty Sports-Pilipinas inilampaso ang Syrian club

by Powered by DWIZ
37 views

Inilampaso ng Mighty Sports-Pilipinas ang Syrian club na Al Ittihad sa score na 77-72 sa kanilang laro na ginanap sa Dubai International Basketball Tournament.

Kumamada si Andray Blatche ng 28 points at 11 rebounds para sa team ng mga Pinoy.

Sinasabing walang pantapat ang Ittihad sa bagsik ni Blatche na dating naglaro sa Gilas Pilipinas.

Nag-ambag si Renaldo Balkman ng 15 points at 10 rebounds para sa Filipino club na mayroon nang dalawang panalo sa torneo.

Matatandaang binuksan ng Mighty Sports ang kampanya nito sa pamamagitan ng 88-82 victory laban sa United Arab Emirates na pinangunahan ni Fadi El-Khatib noong Huwebes.

0 comment

Related Posts