Saturday, May 11, 2024

Middleman sa naipuslit na 6-B halaga ng shabu noong 2017 timbog

- Advertisement -

Timbog ng mga tauhan ng anti drugs division ng NBI ang tumayong middle man kaugnay sa naipuslit na 6. 4 billion pesos na halaga ng shabu noong 2017.

Ayon kay Atty. Joel Tovera, pinuno ng anti drugs division, nahuli nila si Yi Shen Dong o Kenneth Dong sa isang bahagi sa Karatungan Village sa Muntinlupa City.

Kaagad isinailalim sa interogasyon ang nasabing suspek.

Una nang lumutang ang pangalan ni Dong matapos masangkot sa nasabat na shabu shipment ng Bureau of Customs sa Valenzuela City.

Sa pagharap ni Dong sa senate investigation ay nakasama niya ang isa pang isinasangkot sa kontrobersya na si Mark Taguba.

Bukod sa illegal drug shipment, si Dong ay nahaharap din sa 11. 4 million peso tax evasion case.

Si Dong ay nakatakdang iharap sa media ngayong araw na ito.

(with report from Aya Yupangco)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -