Miami Heat babawi sa Game 3 ng NBA Finals

    0
    288

    Gagawin ng Miami Heat ang lahat upang makabangon muli.

    Ito ang binigyang diin ni Fil-Am Heat coach Erik Spoelstra matapos mabigo ang kanyang koponan sa Game 2 ng kanilang best-of-7 series laban sa Los Angeles Lakers sa score na 124-114.

    Dahil dito, nakuha ng Lakers ang 2-0 lead sa serye.

    Nakakuha si LeBron James ng 33 points habang nagdagdag si Anthony Davis ng 32 points para sa LA.