Posibleng abutin pa ng ilang araw bago tuluyang magbalik normal ang sitwasyon sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Ayon kay MIAA o Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, patuloy pa rin kasi ang pagsasagawa ng recovery flights ng ilang mga ariline companies na nagreresulta sa pressure sa mga terminal gates.
Gayunman, tiniyak ni Monreal na tinutugunan nila ang hinaing ng mga apektadong pasahero lalo na ang mga OFWs na nangangambang mawalan ng trabaho sa kanilang tutunguhing bansa.
Apela naman ni Monreal sa mga airline companies, magtulung-tulungan para agad maisaasyos ang kinahaharap na suliranin.
“Kailangan ho magtulong tulong. Hindi yung magtuturuan yung lahat dahil sa insidente. Kailangan tumulong sila sa amin and expect that there is always a joint cooperation, hindi po sila sinisisi. Maybe they have their own reasons, I respect that but since you asked about my feelings about it, yes I’m disappointed.”