Mga ulat na ginamit ang ayudang SAP sa sugal, pang-inom ng alak pinaiimbestigahan na

0
23

Pinaiimbestigahan na ni Pang. Rodrigo Duterte ang ulat na ginagamit umanong pang-sugal at pang-inom ng alak ng ilan ang natanggap na ayuda sa ilalim ng social amelioration program.

Ayon kay Pang. Duterte, inatasan na niya ang Department of Interior and Local Government (DILG) na siyasatin ang mga kumakalat na ulat na ginagamit lang umanong pang sugal, at pang inom ang tulong pinansiyal na ibinigay ng pamahalaan sa mga pinaka-apektado ng umiiral na enhanced community quarantine.

Kaugnay nito, sinabi pa ng Pangulo na dapat hindi rin bigyan ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng social amelioration program ang mga residente mapatutunayang lumalabag sa mga umiiral na quarantine protocols.