Mga tauhan ng POSD sa siudad ng Baguio tinulungan ang reklamo ng isang ginang sa pagbabastos sa kanya ng lasing na lalaki

0
8

Baguio City – Isang lasing na lalaki na nanamantala umano ng mga kababaihan ang hinuli ng tauhan ng POSD matapos magsumbong ito sa kanilang tanggapan sa bukana ng Hilltop Market kamakailan lamang. 

Ang nagsumbong ay nagpapahinga nang isang lasing na lalaki ang diumano ay nanghipo sa isa sa kanila. Ito ang nagtulak sa mga babae na humingi ng tulong sa isang taga POSD.

Ang naturang lasing na lalaki ay dinala ng miyembro ng pulisya sa opisina ng Women’s and Child Protection Desk (WCPD) upang sampahan ng karampatang kaso.

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga taga City Hall sa mga panggabing establisimento upang tignan kung ang mga ito ay sumusunod sa alituntunin ng business permit, sanitation, curfew, liquor, smoke-free, silent night at iba pang batas ng lungsod ng Baguio. 

Kamakailan lamang, isang biglaang inspeksyon ang isinagawa ng mga taga Permits and Licensing Division, Baguio City Fire Station, City Social Welfare and Development Office at ng Baguio City Police Office sa iba’t ibang establisimiento sa lungsod ng Baguio. 

Ang mga establisimento na nakitaan na tumatakbo na walang kaukulang permiso at lumalabag sa patakaran ng lungsod ay binibigyan ng paunawa o notice mula sa Business Permit and Licensing Division ng lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of POSD)

 

Leave a Reply