Mga tauhan ng PCSO na nawalan ng trabaho walang aasahang tulong mula sa pamahalaan — Malakanyang

0
46

Walang aasahang tulong mula sa pamahalaan ang mga tauhan ng PCSO Philippine Charity Sweepstakes Office na nawalan ng trabaho matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tigil operasyon sa lahat ng gaming operations ng ahensiya.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay dahil hindi pa naman aniya maghihirap ang mga nagpapataya ng lotto, keno at peryahan ng bayan.

Paliwanag ni Panelo, malaki ang kinikita ng mga naturang gaming operatios kaya’t tiwala siya na naka-ipon ang mga ito upang tustusan ang kanilang araw-araw na pamumuhay.

Kasabay nito, muli namang dinipensahan ni Panelo ang direktiba ng pangulo na ipasara ang lahat ng gaming operations sa ilalim ng PCSO kung saan iginiit nito na hindi iligal ang verbal order ng pangulo dahil ito naman ay upang pigilan ang lumalalang korapsiyon sa ahensiya.

(with report from Jopel Pelenio)